Manila Ocean Park, Finally

Happy Monday!!! =)

How's your weekend guys? Kami, we went to Manila Ocean Park kahapon (Sunday). Salamat sa Diyos at natupad na rin ang pangarap ko na makarating doon. Siguro mga 48, 137 million times na rin kasi naming pinagpa-planuhan yun eh.

Ang saya ko lang.

Parang ganito oh.


Here's what Caylee and I wore that day:

Hang kyot ng anak ko mag-pose. Para sa ekonomiya!
On Me:
Top - from River Banks ukayan
Shorts - from Las Pinas ukayan
White Belt - from SM dept store
Slippers - birken-birkenan from River Banks
Watch - Guess from my eldest sissy

On Caylee:
Top - from Baclaran
Floral skirt - from Mommy Lola
Glittery Mickey Mouse Shoes - from Mommy Lola
Bow Hair Clips - from SM dept store

Maka-OOTD post lang eh no. Haha

Anyways, walo kami lahat so we bought this voucher from MetroDeal para makatipid. We paid only 499 each for a ticket that's supposedly priced at 1550. I'm not sure with MetroDeal ha, pero 580 lang naman ang nakita namin dun sa mga banner sa Ocean Park. Why-oh-why?

Hay naku kebs na nga, 81 petot is 81 petot. Pwede na din yun. =)

Kasama namin yung asawa ng kuya ko and her 3 kids, plus my pamangkin, Abby and of course, my very own little family.

Our vouchers are valid for the following attractions:
  • Oceanarium
  • Sharks & rays Dry Encounter
  • Jellies Exhibit
  • Sea Lion Show
  • Symphony Evening Show










Well, judging from the kids reactions, mukang pinaka havey for them ang Sea Lion Show... and yung free coloring activities sa may dulo nung Oceanarium? Lol. Super init naman kasi that time! Even during the show, before mag-start yun ng 3pm, na-stress muna ng bongga ang mga bagets. Kasi nga hindi makatarungan ang init ng panahon! Buti na lang nakakaaliw ang mga sea lion pati yung mga trainers nila. =)

As for me, I don't get it kung bakit inihiwalay pa ang mga jelly fish sa Oceanarium. Napakaliit kasi ng space dun sa Jellies Exhibit. Sayang, ang gaganda pa namang tingnan ng mga umiilaw na jellies. Inside the Oceanarium diba may mga malalaking aquarium dun (yung merong mga reef sharks ata yun), tapos may malaking space sa gitna? Dapat dun na lang nila nilagay yung mga jellies eh. Ang saya sigurong magkaroon ng wedding proposal dun. Tapos may special participation ang mga sharks. Hahahaha!

Siguro kung nasilip din namin yung ibang attractions like yung Birds of Prey, Trails to Antarctica, Penguin Talk Show, etc malamang mas nag-enjoy ang mga bagets. But overall, okay naman ang Manila Ocean Park experience namin. It's not everyday naman that we get to see those lovely sea creatures. Right?

So there, that's how our experience with Manila Ocean Park went. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa guys. =)

Ay teka lang, syanga pala. Kung pwede akong magbigay ng tips sa inyo para mas ma-enjoy nyo ang pagpunta nyo sa Manila Ocean Park, eto yun:

1. Pumunta ng maaga para makaiwas sa mahabang pila sa tickets especially during weekends.
2. Kumain muna bago pumasok doon. Mahal ang karamihan ng matitinong pagkain sa loob.
3. Magdala ng tubig lalo na if you have kids at mainit ang panahon. Wear comfortable clothes also. 
4. Know the schedules ng bawat attractions na pupuntahan nyo. Pumila doon ahead of time, say mga 30 minutes ahead, ganun. Nakaka-istress ang mga taong walang ayos sa pila at nang-aagaw ng pila. I swear!
5. Matutong sumunod sa panuto. Pag sinabing NO flash photography, wag na gumamit ng flash ha?
6. Matutong sumunod sa panuto version 1.0. Pag sinabing manatiling nakaupo habang nag-papaistar ang mga animals, wag nang tumayo para kumuha ng pictures and videos or whatever utang na loob!
7. Matutong sumunod sa panuto version 2.0. Pag sinabing wag um-exit hanggat hindi pa nakaka-exit ang mga nag-show na animals, wag na mag-unahang umalis please lang.
8. Please remember na na-iistress din ang mga sea creatures natin. Mas sensitive sila. Konting care naman for them hokie?




For more information about Manila Ocean Park, visit their website at https://www.manilaoceanpark.com/

Manila Ocean Park
behind Quirino Grandstand
Luneta Manila Philippines 1000

Trunkline:  +63 2 567 7777
Facsimile: +63 2 567 2309
Email: inquiry@manilaoceanpark.com