Paseksi Diaries: The Plan

Hey Guys! How's your weekend so far?

Me, kakatapos ko lang maglaba. Kasalukuyang nagsasagawa ng orasyon para hindi muna umulan. Mamaya na please mother nature! Kapag nakatuyo na ako. *crossing fingers while making puppy eyes

Anyway, alam nyo next month is going to be my birth month. Yey! I have this napakagandang layunin at adhikain for myself that I'd like to share with you here on my blog. Actually dapat nung start pa lang ng 2015 'to eh. Kaso alam nyo na, ako si next time na lang eh. Hehe

Gets nyo na siguro ang tinutukoy ko based on my post title no?

Obkurs, kailangan na nating magbalik alindog!

Magpasexy.

Magbawas ng timbang.

Mga ganyan.



Let's all admit it guys. Diba nakakadagdag din ng confidence kapag alam natin na hindi tayo overweight? Tama?

Isang hikab na lang at 61 kilos na ako (134 pounds). According to BMI (Body Mass Index) ek-ek, bordering overweight na daw yun. Kaya pala mabilis na naman akong mapagod at hingalin lately. KENAT B! Kapag may ganito ka ka-active na chikiting, ika nga sa amin sa Quezon, bawal ang halhalin!


So here's the plan guys:

Simula sa Lunes,  that would be on the 21st of this month, gigising ako ng maaga para mag-jogging! First thing in the morning around 5:30 or 6am. Basta dapat bago mag-start ang day ko. Walang ibang schedule para wala rin akong excuse na later na lang or anything. It's now or never kumbaga.

Ideally, dapat araw-araw yan. Pero dahil kilala ko ang sarili ko (haha may disclaimer) siguro mga 3x a week muna? Or every other day? Ay, ewan ko sakin! Ganito na lang, para mas maging committed ako, I'll write ALL about it here on my blog, in the Paseksi Diaries section. I'll post weekly progress. Syempre nakakahiya naman sa inyo (milyun-milyon na readers ko) kung mabobokya ako dito sa amazing plan ko diba? Hahahaha!




So pano? Wish me luck guys ah!

Have a lovely weekend! =)