Late Bloomer

I always consider myself as a late bloomer


From http://fundersandfounders.com/



  • Malapit na akong mag high school, umiihi pa rin ako sa kama (para sa aking dignidad hindi naman ito palagi ah!) Haha.
  • Ga-graduate na ako ng high school, naglalaro pa rin ako ng manika.
  • College na ako, tamad pa rin akong maligo.
  • 21 years old, saka pa lang ako nagka boyfriend (in fairness sa akin sya na din napangasawa ko)
  • And now kung kailan konting kembot na lang at mawawala na sa kalendaryo ang edad ko, saka ko pa lang na-eenjoy ang paglalagay ng makeup!


Dati kasi literal na dino-drawing ko lang ang kilay ko eh. Isang guhit kung isang guhit. Lol


Pero simula nung napanood ko si Anne Clutz sa YouTube earlier this year, nakow halos araw-araw akong nagpa-praktis ng tamang pag-aapply ng makeup particularly on my eyebrows. Ang saya pala! Madami akong natututunan.

Saka kapag naka makeup aketch, mas feel ko ang mag-selfie. Hehe.

Nemen!

Makeup of the Day
Maybelline Baby Skin (Primer)
EB Advance BB Cream (Whitening)
Nichido Minerals Precise Eye Pencil
 e.l.f All Over Color Stick (Golden Peach)
Wet n Wild Megalast Matte Lipstick (Just Peachy)

Kung hindi nyo pa napapanood mga vids ni Anne Clutz sa YT, I suggest that you do it now na! Nakakaadik pramis. Magaling kasi sya. Mula sa primer hanggang sa pagpili ng tamang shade para sa skin tone, she's really superb!

I have yet to learn the art of contouring (yes, lalo na sa nose!), eye shadow and all. Hinay-hinay lang muna ang lola nyo kasi mahirap magkulorete kapag may 2-year old na chikiting. Alam nyo yan! At isa pa ayaw ni Prinsipe na ginagawa ko daw parang coloring book ang fezlak ko. Kontra-bulate talaga yun eh. Grrr.

Kayo guys, late bloomer din ba? Feel free to share your thoughts ah! :)