Kwentong Sore Eyes

Note: Hindi na ata uso ang sore eyes as of this moment. Matagal nang nakaimbak sa draft folder ang post na itey. Post ko na din dahil beast mode ako ngayon. Hehe.

Syempre hindi kami magpapahuli sa uso.

Lahat sila dito sa bahay ay nagkaroon ng sore eyes except me!

Wow!

Syempre, sana ako na lang imbes na si Caylee. Although her case naman is not as worse as the others (thanks to breast milk and breastfeeding), pero yun nga wala namang nanay na gugustuhing magka sore eyes ang kanyang junakis. Tama?

Hindi ko na maalala yung huling time na nagkaroon ako ng sore eyes. Teenager pa ata ako nun. Grabe. Ang pangit ng pakiramdam ng may sore eyes no?

Hindi talaga ako hawain kapag may sore eyes craze eh (haha). No, I don't think dahil malakas ang immune system ko. Lately ko  lang na-realize. Siguro yun ay dahil mas madalas naka eyeglasses ako. Go figure, feeling ko talaga malaking tulong yun eh. Hehe.

Anyway, tinanong ako nung pamangkin ko the other day kung ano daw ba yung isa pang tawag sa sore eyes na nag-uumpisa sa letter C. I was making kasi her excuse letter kasi nga di sya makapasok sa school.

Wala akong alam!

Conjunctivitis pala yun.

Lechugas.