Saving Glory


Mag aalas dose na ng tanghali. Kami lang ni Caylee ang tao sa bahay. Wala pang lutong pagkain. Naubos na ni Caylee ang goto. Gutom na ako. Paano na?

Hindi. Hindi ito maaari! Hindi ito ang ikamamatay ko. Kailangan kong magluto.

Oo, magluluto ako. Walang makakapigil. Bwahahaha.

Chicken? Pork? Giniling? Wag, sayang pag hindi nakain magde-defrost pa ako.

Sige sardinas na lang. Marunong akong maggisa.

Sibuyas.
Bawang.
Kamatis.

Wait, ano nga ba unang ginigisa? Bawang diba? Ay hindi mali. Mas madali daw masunog ang bawang eh. Okay fine sibuyas.

Ambango. Pag naamoy ang ginisa parang laging expert sa pagluluto kung sino man ang nagigisa no? Masarap din pala sa pakiramdam. Wahehehe.

Teka bakit ang tahimik ni Caylee sa kwarto? Silence is suspicious. Cayleeeeee!!!!!

Okay good. Lipstick lang pala. Puro lipstick lang ang mukha ng bagets. At least hindi nya kinain.

Hmmmm, amoy sunog...

Leche! Sa pagluluto walang madali at matagal masunog. Kapag sunog, sunog. Ganon!

Ayos lang. Sunog ang rekado ng ginisang sardinas na niluto ko pero olive oil naman ang ginamit ko. Mas healthy daw yun. :p