Ang Kwento ng Nawalang Cellphone

Sa panahon ngayon, kapag nawalan ka ng cellphone sa isang pampublikong lugar, chances are HINDI na ito maibabalik sayo. Minsan nga, hindi mo pa naiwawala inaagaw na ng mga snatchers diba?

Pero sabi nga ni Lolo Gandhi - "You must not lose faith in humanity" Meron pa rin namang mga tao na may mabubuting kalooban. Mga taong patuloy na naniniwala na masama ang mag-angkin ng anumang bagay na hindi mo pag-aari.

Taxi driver na nagbalik ng isang milyong piso.

Flight attendant na nagsoli ng iphone.

Construction worker na hinanap ang may-ari ng isang laptop.

Sales attendant sa Savemore Marikina na nag-surrender ng cellphone (na naiwan ng isang tatanga-tangang ale).




Wag na kayong manghula kung sino ang ale guys. AKO na nga yun! Haha.

Apparently naipatong ko pala si cellphone while checking Sanyang furniture. Naghahanap kasi kami ng extra lagayan ng damit because Caylee's clothes seems to always overflow these days.

Kaloka lang sa pagka engot diba?!

In fairness naman sakin, Caylee was being makulit din that day. Suot ng suot everywhere kaya habol din ako ng habol! I know, mas gugustuhin ko nang mawala si cellphone kesa naman mawala si Caylee diba? Haha. #utotpalusot

Anyway, yun nga guys, sobrang thankful pa rin talaga ako kasi naibalik sa akin si cellphone. I was really nervous that day to the point na masuka-suka na ako. Ang siste kasi, kakabili lang namin ni Papa Prinz ng cellphone na yun! Sobrang iritado sakin ang asawa ko. Feeling ko nga yun ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin. Charot.

I understand him though kasi pangalawang beses na itong nangyari sa akin eh. Yes guys, PANGALAWANG BESES NA! And up to now hindi pa rin ako makapaniwala na kung gaano ako ka-engot, sya namang ikinabait ng mga taong nakakakuha ng cellphone ko. Naisasauli talaga sya sa akin. Whew!

Okay, wish ko lang talaga hindi na maulit ang pangyayaring ito for the 3rd time. Diba meron ding kasabihan na "there is no third time charm", basta something like that?

O sya guys. Alama nyo na... Palaging paalala sa atin ng ating mga magulang - HUWAG TULARAN. Bow!