Pero pag movie na ni Angel Locsin ang pinag-uusapan, syempre present ako dapat dyan. Non-negotiable yan eh. Kesehodang di ako samahan ni Papa Prinz! Haha.
Chicka lang. Ang totoo nyan, ambait ni Prinz kasi sya ang nag-alaga kay Caylee para makanood ako ng Everything About Her with my friends. Nagtampo pala sya ng slight, pero sabi ko saka na namin pag-usapan after ko manood ng movie. Bwahaha!
Grabe lungs! Yung wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa nung bandang umpisa ng movie tapos singhutan naman ng singhutan (na kunwari may sipon) nung bandang huli. Nakakaloka!
I've been following Angel Locsin since Click Days, and boy, for me this is by far her most versatile performance. I've seen her do comedy in Toda Max pero parang sa movie na ito ko lang sya nakitang kumportable sa pagpapatawa. Of course bukod sa action, drama is something na identified na talaga sa kanya. Natural lang, hindi aral na execution. Magaling. At bakit ang ganda ganda nya sa film na itey? Yung sobrang ganda na hindi na makatarungan. Ganown!
Vilma Santos. God, sinong hindi naiyak sa performance nya sa Anak? I wouldn't mind watching that movie over and over again. At paulit ulit din akong pasikretong iiyak. I'm happy na nagkatrabaho sila ni Angel dito sa Everything About Her. For sure mas marami pang natutunan si idol mula kay Ate Vi.
As for Xian Lim, inaamin ko na isa din ako sa mga nag-alangan na maging leading man sya ni Angel for this movie. Not that I hate him or anything pero wala pa kasi akong nakikitang notable project nya that can match the acting prowess of Angel and of course, Ms. Vilma. Pero wala namang mas nakakaalam ng mga ganyan kundi ang mga dalubhasa diba? Merong nakita si Direk Joyce at ang Star Cinema management kay Xian na hindi kayang makita ng mga matang mapanghusga. Kung anuman yun, ikayayaman yun lalo ni Xian Lim dahil for sure, after this movie, next level na ang pagiging aktor nya.
Kaya sige na guys. Nood na now na!