Tatlong dekada at dalawang taon.
Juicecolored. Madami dami na din yun ah.
Pero sa lahat ng mga taon na yun, Ama, maraming maraming salamat po. =)
WALA NA AKONG MAHIHILING PA
Baduy pero totoo. I mean, yes, I have countless dreams and aspirations. Merong forever when it comes to all my goals and ambitions. Pero kung susumahin... Kung tatanungin ako ngayon kung kuntento na ba ako kung naging ano at sino ako after 32 years... YES or NO lang... Walang pag-aalinlangan, I'll definitely say YES. =)
Kasi sa tuwing iniisip ko yung mga bagay na pinapangarap ko lang dati, na mas higit pa dun kung anong meron ako ngayon, doon ako humuhugot ng contentment. Doon ko nare-realize na may tamang panahon talaga para sa lahat ng bagay. Doon ko ring natututunang tanggapin na may mga bagay na hindi inilaan para sa atin.
Okay, I'll stop right here bago pa kayo magsilayasan sa sobrang cheesy ng post na ito. Hehe
So yun. Wala namang masyadong ganap. We just went out. Sumimba. Kumain. Usual stuff. I may sound boring pero ganun talaga eh. Basta ang importante I've been blessed with another year. Healthy ako. Healthy ang mga taong mahal ko. Masaya kami. At higit sa lahat maganda pa rin ako. Charot!
Actually, kung meron man akong maituturing na birthday wish(es), eto ang mga yun:
- Maligo ng maayos (magkuskos, maghilod etc)
- Sumimba sa Quiapo
- Kumain sa Mang Inasal at mag-extra rice. Kumain ng pancit at maghalo-halo pagkatapos.
- Mag ukay-ukay
- Mag-smile sa stranger
- Mag vandal sa jeep o kahit na anong pampublikong sasakyan ng ganito: "Smile, you're an awesome person :)"
- Kalabitin si Papa Prinz ng madaling araw
In fairness sa akin nagawa ko yung number 1-5. Yung #6 kasi medyo mahirap kasi nakakotse kami the whole day. Yung #7 naman is napakahirap gawin dahil tamad akong gumising ng madaling araw. Matagal ko nang gustong gawin yan eh kasi may nakapagsabi sa akin na mas masarap daw pag ganyang oras. Haha! Totoo ba?
Let me know guys ah? =))