My thoughts on #Aldub as a Certified Kapamilya

Okay, I admit: Aldub is all over the Philippines.

Sila ang laman ng FB feeds ko.

FB feeds ng asawa ko.

Ng kapitbahay namin.

Usapan ng mga kasabay ko sa pagjo-jogging.

Blog posts ng mga blogging idols ko.

Favorite topic sa tsimisan sa lugawan.

Sa inuman sa may kanto.

Sa ant colony dito sa bahay.

Juicecolored!


Pati mga bagets sa bahay, hobby na nilang magpabebe wave.

Wala na talagang magagawa ang pagiging pusong 'certified kapamilya' ko kundi tanggapin ang pagkatalo.

Sige na, SIKAT na sila.

Mas sikat na sila.

F O R N O W

You see, I rarely watch TV nowadays. Pero dito sa puso ko KAPAMILYA talaga ako at feeling ko hindi na magbabago yun.

Naniniwala pa rin kasi ako na:

from pinoyexchange.com

No, I'm not fueling another network war here. Not also being fanatic or anything. Wala naman sigurong masama na patuloy na maniwala sa mga tao o bagay na napamahal na sayo right?

Wala din akong duda sa kasikatan ng Aldub ngayon. They're really unstoppable! Napanood ko din si Maine Mendoza (Yaya Dub) sa YouTube at totoong nakakaaliw sya. Hindi din imposibleng mahalin ko din sya katulad ng pagmamahal ko sa ABS-CBN. Come on, it was during Click days on GMA nung una kong minahal si Angel Locsin. =)

Kaya sige na, Yaya Dub lumipat ka na rin sa Channel 2 please.

Haha, joke lang!