My Father's 80th Birthday

Hello! Hello!

Ngayon lang ulet ako nakapag-post dahil ang dami kong hanash nitong mga nagdaang araw. Saka medyo naging busy na din. Umuwi kasi kami last week sa Quezon province para sa 80th birthday bash ng tatay ko. 

Taray, may paberdey bash si Mayor Isko. Haha!

Grabe, ang junders na ng tatay ko pero bagets pa rin ang lolo nyo! May kahinaan lang ng kaunti ang pandinig pero malakas pa. Nahiya nga ang mga mini rayuma ko eh. Hehe.

See, ang kyot ng picture namin kung di lang blurred!


Caylee performed Jesus Loves The Little Children to her abuelo (and everyone's) delight. Magaling na bata! =)


One of the highlights talaga ng party was yung mini reunion ng Calinisan clan. Dumating yung 2 kapatid ng Papa na buhay pa (malamang haha) as well as yung families nung mga namatay na.

Ang hassle lang because it was raining cats and dogs sa halos buong stay namin in Atimonan. I'm not sure pero ang sabi dun lang daw talaga expected ang ulan during that time. Bad trip. Haha

Pero dahil pati kaming sampung magkakapatid, at yung isa sa ampon ng parents ko (konti lang daw kasi yung 10 na anak eh, haha) nagkasama-sama ulet for the occasion, it became an amazing and memorable event. 

Huge thanks to everyone who made our father absolutely happy on his 80th birthday. =)