I will be posting here stories and articles na pang-balagtasan pang-malakasan. Lol. Wala lang, you know, the writer-writeran in me chenes. Mga ganyan. Hilig ko kasi talaga ang itong pagsusulat, kaya I'm hoping na through this segment eh maibalik ko yung dating gana ko sa paglikha ng mga kwentong kahit walang kwenta ay galing naman sa puso ko. Hahahaha!
Anyway, for my first post here on Chasing Lapis I'll share muna this article which I wrote way back 2009. Isa ito sa mga paborito kong entry because of its simplicity and truthfulness. Every time I read this one parang nararamdaman at nakikita ko ulit yung sarili ko during those times na nagco-commute ako to and from work. Ang nostalgic lang. =)
*Click HERE if you want to read the original post. ENJOY READING!
Bus ang isa sa paborito kong sasakyan. Malaki. Maluwang. Matulin.

THE RIDE
Bus ang isa sa paborito kong sasakyan. Malaki. Maluwang. Matulin.
At syempre dapat, ordinaryo. Buhay ang “buhay” kapag nasa bus ako. Iba-ibang klase. Mayaman. Mahirap. Maganda. Pangit. Bata. Matanda. May masayahin. May mainitin ang ulo. Mag-syota. Mag-asawa. Katulong. Construction worker. Ina. Ama. Estudyante. Bading. Praning. At marami pang iba.
“Bayan, bayan! C-5, Novaliches!” ang paulit-ulit na sigaw ng konduktor.
“Fairview kuya?” tanong ng isang babaeng mukhang na-indiyan ng ka-eyeball sa megamall.
Hindi sumagot ang konduktor. Umakyat na ulit sa bus at doon nag-comment “Sinabi na ngang Novaliches.. Fairview?!”
“Fairview kuya?” tanong ng isang babaeng mukhang na-indiyan ng ka-eyeball sa megamall.
Hindi sumagot ang konduktor. Umakyat na ulit sa bus at doon nag-comment “Sinabi na ngang Novaliches.. Fairview?!”
Unti-unti nang napupuno ang bandang unahan ng bus. “Kapit sa matigas!” paalala niya sa mga pasaherong kakasakay pa lamang at tinatawid ang pwesto sa hulihan.
“Tiket. Tiket. Yung wala pang tiket d’yan! May inspector po tayo sa Cubao.”
Effective naman ang kanyang strategy. Matapos akong magbayad, nag-abot ng bente ang katabi kong mama. “Cubao.”
Effective naman ang kanyang strategy. Matapos akong magbayad, nag-abot ng bente ang katabi kong mama. “Cubao.”
“Saan galing sir?”
“D’yan lang sa megamall.”
“D’yan lang sa megamall.”
Naiabot na ang ticket at ang sukli. Nakaalis na ang konduktor sa tapat namin. Pero hindi ko pa rin naitanong sa katabi kong mama kung sigurado s’yang sa megamall s’ya nanggaling. Dahil sigurado akong andun na s’ya bago pa ako sumakay.
“Galaw-galaw at baka ma-istrok!” patama n’ya sa mga pasaherong ayaw magpaupo at ayaw umupo. Sumisikip na ang daanan sa gitna dahil sa dami ng taong sumasakay.
“O, Munoz! Munoz! Lapit na ang mga bababa ng Munoz d’yan!”
“Ate dito kana.” alok ko sa upuan ko kahit medyo malayo pa ang Munoz.
“Ate dito kana.” alok ko sa upuan ko kahit medyo malayo pa ang Munoz.
At katulad nga ng inaasahan ko, marami pa ring sumakay sa Munoz. Marami din kaming bababa. Nag-uunahan. Siksikan. Hindi na malaman kung sinong pababa. At kung sinong pasakay.
“Wag ho nating salubungin at hindi n’yo yan kamag-anak! Hintayin po munang makababa bago kayo sumakay.” Maliksing awat ng konduktor. Ni hindi ko alam kung paano s’ya mabilis na nakarating sa ibaba.
“Ang bagal kasing bumaba!”
“Aray!”
“Kailangang mangbalya?!”
“Ang cellphone ko!”
“Sapatos ni JR dali!”
“Ate, bilis!”
“Aray!”
“Kailangang mangbalya?!”
“Ang cellphone ko!”
“Sapatos ni JR dali!”
“Ate, bilis!”
Mahigpit ang yapos sa aking bag. Magulo ang buhok. Pawisan. Nakababa rin ako ng bus sa wakas! Pumapatak na ang ulan. Sumakay na ako ng tricycle. “Davao po.”
Excited na akong umuwi sa bahay. Alam kong nakahanda na ang hapunan. Pati ang malinis at kumportable kong higaan. Bukas, sasakay na naman ako ng bus.
Oo. Mahirap sumakay ng bus. Lalo na ‘pag rush hour. Pero paborito ko pa rin s’yang sakyan.
Dahil, buhay ang “buhay” sa ordinaryong bus.