I'm BACK!!!


Hala sya!

Pa-isang taon na talaga akong walang ganap dito sa blog eh.  Namiss ko ang sarili ko. Haha!

Osha, magchismisan na tayo kaagad dahil marami akong imbak na labada. :p

BLOG UPDATES

I've made some major changes on my blog's appearance para markado ang pagbabalik ko. I've opted for a clean design this time and skipped some unnecessary colors and graphics. Mabuti na lang marami pa ring libre sa internet at na-achieved ko naman ang simple but stylish look na gusto kong gawin. 

Thank you Manong Google sa libreng kaalaman. Salamat din sa machong asawa ko for teaching me basic HTML and CSS. At higit sa lahat salamat sa aking innate eye for aesthetics. Charot. 

To say that I love my new blog theme and layout is an understatement. Pangatlong design ko na ito from ThemeXpose, and feeling ko mga jowa ko na ang mga creators behind them. Please Lord, wag nyo po silang palugihin because I need nice, pretty and absolutely FREE blogger themes in my life. 

CHASING LAPIS



Matagal na rin akong walang literatureish (hanep) posts simula nung naging nanay ako so I've added this portion on the blog to channel my inner Lualhati Bautista. Haha. Ewan ko lang din dahil parang nangangalawang (meron palang kakalawangin hehe) nga sya nowadays, so I think I'll be reposting muna my old writings like this one habang wala pa akong maisulat na bago. =)

NEW YEAR. NEW HOME

After living together with my brother and his family for more than 2 years, we've decided to move on our own house again this year. Iba pa rin kasi talaga yung feeling ng may sarili kayong balur. Saka nasa plano na rin naman ito. Napaaga lang ng slight.

From a small bedroom in Marikina Heights, we're now renting a 2BR medium townhouse/apartment here in Parang Marikina naman. O diba, pinanindigan na namin ang pagiging Marikeño. Hehe

The house is quite decent at mukhang tahimik and safe naman ang location. We got it totally bare, and we barely have any furniture either, so marami pa kaming  akong gustong idagdag para magmukha syang bahay. Ipon ipon lang muna.  =) 

Luckily, my husband's youngest brother donated us some cozy wallpapers and installed them himself. Nagmukhang shala ang living room namin kahit palaging dugyot ang electric fan. Lels


If things works well, we like to settle na rin in this city. I love that its very near CBDs pero medyo suburb pa ang datingan. Hello, promdi in me. Hihi.

SHORT HAIR, DON'T CARE


Well, hayaan na natin na ang ilong ko ang magpuno ng iksi ng buhok ko. HAHAHAHA.

I always love it this short though. =)



Till next post,