Thursday Evening Hanash

  2018
- 1983
      35
   
Grabe! Kinailangan ko talagang ulit-ulitin sa calculator para ma-confirm kung ilang taon na ako sa October. Hindi ko sure kung anong mas nakakahiya eh. Yung subconsciously nakakalimutan kong matanda na ako o yung ang shunga ko lang talaga sa Math.

Wahahaha!

Anyway, today is sahod day kaya may extrang saya ako. :D

CREDITS: http://scroll.in/bulletins/45/five-memes-that-explain-why-you-need-a-toothpaste-for-payday

Halos wala na kasi kaming stocks sa bahay talaga eh.

Nakaka depress magbukas ng ref namin.

Understable naman na medyo naghahabulan yung paghihikahos at sahod ni Papa Prinz dahil lumipat nga kami ng apartment right after Christmas and New Year. Deposit at advance rent pa lang hindi na birong gastos, not to mention that we had to buy some new stuff din na kailangan sa bahay.

Pero ganun talaga diba? Sabi nga nila kasama yan sa pagpapamilya. =)

Tapos ang tagal pa naming makabitan ng internet. We're supposed to continue our Globe na lang sana kahit sobrang dissatisfied kami on how they're handling our account. Kaso wala na daw silang slot sa area namin or something like that. Okay fine.

PLDT ganun din ang eksena.

Apparently, wala kaming puwang or karapatan na magka-internet sa Parang Marikina. Shaklap besh! =((

We tried applying for Converge ICT but they require 4,500php cash out para sa security deposit and installation fee. I don't think makatarungan shelling out that amount with our current financial situation. Abangers na lang muna kami kung sino ang mauuna magbukas ng mahiwagang box kay Globe or PLDT.  Oh please, have mercy on us! #duopoly

I think we'll get by naman even without internet. Gusto ko lang sanang rumaket ulet sa Upwork to help my husband kahit papaano.

So there, that's all my hanash for today. How about you? How's your day so far?




Stay sane loves,