Ang Kwento ng Nawawalang Cellphone Part 2

BREAKING HEART NEWS:     I've officially lost my phone.

May isang buwan na rin pero feeling ko parang naka move on na ako kaya ikwekwento ko na here sa blog. Kung nabasa nyo na ang Part 1 ng makabagbag damdamin na istoryang ito, chances are uma agree na kayo na wala talagang third charm. You know, ganyan talaga ang buhay... Kung medyo bully naman kayo malamang you're giving me this face right now:


Oo na ako na pambansang engot. :|

Before I make kwento, lemme self proclaimed first that I'm not the type to cry over spilled milk — much more obsess over material things. Let's just say na masyado lang akong nalungkot this time dahil halos kakabili lang ng phone na yun ng asawa ko for me. Well, this is definitely a #lessonlearnedthehardway dahil aminado naman ako na nawala si cellphone dahil na rin sa kapabayaan ko.

Game kwento ko na:

Papa Prinz got some extra money from his sideline jobs earlier this year. Chubby lang ang asawa ko pero napaka sweet and thoughtful nun (haha) kasi he always ask me kung ano gusto ko every time he has extra moolah. Sakto naman because I wanted to buy the Asus Zenfone Selfie for myself for the longest time. =)

I have nothing but good words for Zenfone Selfie. Ito ang pinakamagandang phone na napasakamay ko. Totoo! Well, I mostly use camera and games lang naman so I might be a bit ignorant on some areas. Anyway, here are some raw photos that I took using the said lost phone. *Syempre I needed to put watermarks sa mga kiddos


Ganda the camera ng Zenfone Selfie ano? It's a dual 13 megapixels (front & rear camera) and I swear, by the old gods and the new (echos) since I've used it, my selfies have never been better!



So how did I lost my phone nga?

Simple lang, we just ate at some 'Tapsian' make patong my phone at our table and forgot to get it when we left. Galing no? Kung ganyan lang sana din ka easy ako mag lose weight. Nyahahaha!

So there, hopefully this will be the last part of this story dahil baka makatay na ako ng asawa ko sa susunod na mawalan ulit ako ng phone. Well, wala pa rin akong phone until now as some kind of a punishment pero keri lang, I don't feel like buying din naman hanggat hindi pa ako completely nakaka move on. huhu

PAALALA: Wag tularan, bow!