Breastfeeding: Officially Day Weaned!

I've always wanted to eliminate some nursing sessions since Caylee turned 2. Kaso ramdam ko na hindi pa ready ang anak ko. Ganun pala talaga yun kapag nanay ka na every steps, every stages, pagdating sa anak mo, you will know in your heart kung hindi pa sila handa.

You see, I've been exclusively breastfeeding her since she got out of the NICU. I'm not sure kung religiously sumusunod ang Chinese General Hospital sa Milk Code, or di lang nila kami siningil for formula milk or whatever, pero even nung naka incubator pa sya, I made sure na nakakapag pump ako ng gatas for her.

But even though I strongly believe that

Breastfeeding benefits toddlers and young children…nutritionally, immunologically and psychologically

from kellymom.com

now that she's nearing 3 years old, parang biglang may 'I'm done' moments na ako. All of a sudden, hindi na ako natutuwa sa mga inarte ng anak ko every time she wants to nurse. Gusto maya't maya. Agad agad. Makita nya lang akong nakaupo, chance na yun for her to invade the boobies. Kaloka! Things got even worser every time she says: "Ayaw ko kain mama, dede na lang!' Since then, I knew right away na kailangan ko na gumawa ng paraan to somehow show her na I'm starting to feel uncomfortable na with our breastfeeding sessions. Kahit itanong nyo pa yan kay Papa Prinz, there are times na binalak ko talagang iwanan for a couple of days ang pobreng bagets just to wean her. I know that's really, really harsh, pero sorry lukaret talaga ako madalas minsan.  :p

But you know what, naisip ko din naman na breastfeeding has been her primary source of comfort. Hindi talaga cool kung ganun-ganun ko lang ipagkakait sa kanya diba? Lucikly, the interwebs has so many answers for gentle weaning. Tama si Papa Prinz, dapat hindi ito mag-cause ng emotional trauma sa anak namin. Weaning should be something na na mapapagkasunduan naming mag-ina. Naniniwala akong kaya na nyang maintindihan ang desisyong ito.

As of this writing, partial weaning or day weaning pa lang ang peg namin. So far, nakaka one week na kami.

No tears.
No anger.
No drama.

I'm so proud of my princess! =)



Have a lovely weekend