Hanep sa blog post title eh no? Bored lang pala. HAHA
Kidding aside, motherhood changed me into baliw levels minsan. One epic example is my absurd fear of death. Takot din naman akong mamatay dati pa (sino ba namang hindi?!) pero parang hindi naman kasali ang pagtawid sa pedestrian lane sa ultimate check list ko ng death alerts nung dalaga pa ako. Ako lang ba? Let me know kung takot din kayong tumawid sa pedestrian lane ha. =))
Okay going back to my topic:
Honestly speaking, I can't blame Ms. Agot for the psycho statement dahil kahit ako, naisip ko rin yan. The only difference is I've never publicly shared that equally crazy idea that time (dahil hello leader lang naman kaya sya ng bansa natin). What I did was research pa more kung ano ba ang pinaghuhugutan ng mga actions nya towards USA and European Union and today I'm going to share with you some of the interesting angle na napagalaman ko.
Una, according sa data ng World Bank nung 2014, 0.2% lang ng Gross National Income ng Philippines ang Official Development Assistance (ODA) or foreign aid ang natanggap ng ating bansa READ HERE. Malamang dyan nanggaling ang #hugot ng pangulo na crumbs o mumo lang daw ang ibinibigay na tulong sa atin. Pero dahil kasali din ang foreign output sa GNI ng isang bansa, nami-mislead ang mga tao na baka maapektuhan din ang ating economy because of what the president said. Well, ang tulong ay tulong ang business ay business. Ganern!
So eto na!!! Here are the details about sa interpretation ng ilang international relations at political experts sa mga pinaggagagawa ni Duterte sa buhay nya bilang isang pangulo ng Pilipinas:
Delimitation
This is to establish limits of whatever supreme power or authority (aka sovereignty) na meron ang USA sa atin lalo na sa ating mga karagatan) READ HERE. The mura and the pagpapabebe sa 'aid' na mula sa mga kano is a form of swaggering. Ang baduy nyan sa kanto at sa tindahan ni Aleng Nena pero in international politics, it's one way of showing political force. Wala tayong magaganda at malalakas na armas kaya idaan antin sa psychological strategy.Detente
Para kumalma ang ibang mga bansa na merong problema sa bansa natin (katulad ng China). This is easing of geo political tensions. Sipsip sipsip din pag may time. LOL. Oo nga naman, mas madali at mas maganda itong strategy kesa hayaan ang ibang bansa na gawin tayong parang battleground diba? Ang taray pa nga ng statement ng pangulo dyan diba: "Do not treat us like a doormat, you’ll be sorry for it"Diversification
Ang parang marketing strategy ng ating gobyerno para mag introduce ng ibang eksena sa ating economy. Yes, USA has the largest Gross Domestic Product value READ HERE pero let's not close our doors to other countries as well shall we?http://bit.ly/2elx2KD
http://bit.ly/2dQpM6J
http://bit.ly/2efbKhL
To end this post, I will conclude na nakakaloka pala talaga ang politics mga amiga! Pero Duterte, whatever his flaws, sya lang ang nakitaan ko ng may pinakamalinis na intension to serve our country. Patriot kung patriot ang lolo mo eh. I'm sure iyan din mismo ang nakita ng milyong milyong Pilipino na bumoto sa kanya. If the International Criminal Court charges against him will push trough paano na ang pagbabagong unti unti na nating nararamdaman? Hindi lang kasi ito ma-hype ng ating mainstream media dahil naka focus sila sa EJK/DDS anek, pagmumura at Hitler remarks ni Duterte.
- Executive Order on FOI (Freedom of Information)
- Peace Talks with the CCP-NPA-NDF
- Tanim Bala sa NAIA
- Hotline 911 8888
- ONE-STOP Service Center for OFWs
- Hacienda Luisita distribution
- 50% Crime Rate reduction
- Faster processing of government papers etc
Ilan lang yan sa mga nagawa o naaksyunan ng pangulo in his first 100 Days. Tapos ang mababasa mong headline on international news: At least 3,600 slaughtered’ in Philippines President Rodrigo Duterte’s first 100 days in office". Hala sya, wag naman sanang ganun. Diosmio! Kaya ako, bilang nanay ni Caylee gusto kong patuloy na maranansan ng anak ko ang mga pagbabagong hatid ng administrasyog Duterte. I will never stop praying na matapos nya kung anuman ang nasimulan nya dahil alam kong makakabuti ito for our next generations.
At yan talaga ang konek ng maarteng pamagat ng post ko today. :D
I'm educating myself in my own little ways. Most of my information are from the generosity of Sass Rogando Sasot - a transpinay based in The Hague and the first Filipino to receive the ECHO Award, given annually to excellent migrant students in academic and higher professional education in The Netherlands. She is studying at Leiden University, pursuing an MA in International Relations, working on a thesis on how a systemic change led to the rivalry of the coastal States of the South China Sea. She is selflessly sharing her time and knowledge at https://www.facebook.com/forthemotherlandph/