Pisti!
Nakakaburaot ang inet ano?
Hindi matahimik ang aircon namin kahit nakaka-trauma ang 5k+/monthly electric bill. Sorry na agad. Kung pwede lang paiiksiin ang summer season eh. :p
Raket pa more na lang Lizapot at nakakahiya naman sa asawa mo (kahit siya talaga ang hindi mabubuhay ng walang AC, lels).
Anyway, eto pala ang bago naming alagang tsonggo (este kuting).
Everyone, meet Luna:
LUNA(tic) the Cat |
Pakakulit na feline! Madalas, puro kalmot at mini kagat ang inaabot namin kahit di naman namin sya pinapansin. Akala ko ba hindi pampam ang mga pusa. Weird! Mabuti na lang at cute na sya ngayon (di na mukang tsonggo, haha!) Ang sarap kasi ihagis nyan sa labas lalo na pag si Caylee ang pinupuntirya eh.
Ewan ko ba. May soft side pa rin naman ako sa mga hayop, pero Caylee's safety is my top priority now. Kaya pag pwede na, papabigyan na namin yan si Luna ng needed rabies shots. Saka ipapabungal na rin namin at ipapa-declaw. Charot! Ang mean naman na nun. Wag ganun.
Namalengke pala aketch ngayon. Ang bongga ng palengke dito sa Parang Marikina. Malinis. Maraming pagpipilian. Mura at sariwa ang mga bilihin. O diba, makapromote ako kala mo pro sa pamamalengke.
Seriously though, I love pamamalengke. Ngayon ko lang talaga na-realize kung gaano katipid ang pagbili sa palengke vs sa grocery store. You just have to make sure na sariwa at magandang klase ang bibilhin mo. Well, si Papa Prinz talaga ang pro sa pagkilatis. Ako, tinitingnan ko kung saan maraming bumibili (lalo na yung mga nanay) tapos 'nakikisuki' na rin ako. #waisnamisis Hahahaha!
I might do a palengke haul (haha) one of these days.
How about you? Magkano ang kuryente bill nyo?
Stay sane,