Don't get me wrong. Syempre masaya din naman nung infant pa sya. Let's just say na iba't iba ang level ng happiness ng isang parent (especially moms) when it comes to their child's development. Ganown!
So okay, let's start with my Talking Caylee.
You see, I consider Caylee as a late talker. Actually kung susundin ang chart and everything she's a little late reaching her milestones. I don't mind though, reference lang naman yun. As long as walang super OA na red flags, kalma lang ako madalas. Besides, I honestly believe na may kanya kanya tayong 'tamang panahon' sa mga buhay natin. From the moment na ma-realize mong kailangan mo nang maligo hanggang sa desisyon mo na magkaroon ng sariling pamilya, everything is really up to you. We all mature at our own pace sabi nga nila.
Anyway, none of those chart stuff matters now really. Sobrang daldal na ng batuta eh. Okay, I admit binibilang ko din dati ang mga words na alam nya. Kasi that's how you should do it daw dapat eh. May certain number of words na dapat ma-reach nila at a particular age or whatever.
Yeah right, I've learned the art of being a kalma mudra the hard way.
Pero eto, the moment I heard her saying:
"eh di wow!", after you tell her a nice story
"joke lang" kapag nase-sense nya na malapit ka nang magalit or mapikon sa ginawa or sinabi nya
"ahaha, kita pwet!" pag sabay kaming naliligo
I was really really AMAZED! I was like: Juicecolored, ito na ba ang batang nagmula sa sinapupunan ko?! Parang scotch brite kung maka-absorb ng mga salita sa paligid nya.
One time narinig ang papa nya saying 'gago' while driving. Bumanat ba naman ng "Gago, gago don't you stop" (to the tune of horsey, horsey don't you stop)
Syempre ingat na ingat na kami sa mga sinasabi namin ngayon lalo na when she's around.
Nakakaloka!