My One BIG Crazy Happy Family


Our family had a very memorable Christmas celebration last year. I'm super happy na nakumpleto kaming sampung magkakapatid after so many years. Yes, tama po ang nabasa ninyo - sampu kaming lahat na magkakapatid. Di naman karamihan, sakto lang. =)



My father had to pose for one of my brothers na umalis agad nung Dec 26 because of work. Super late na rin kasi sya nakarating nung Dec 25 so no time talaga para ma kodakan sya. Eh di sya na ang busy. Haha!

Grabe, sobrang gulo namin! Paano nga ba kami nagkasya ulit dito sa bahay? Ang siste pa eh isa lang ang bathroom namin. Pila kung pila ang labanan. Nakakaloka! Tuwing iniisip ko kung ilan na nga ba ang mga pamangkin ko, kailangan ko talagang magbilang ulit para sigurado. One to sawa sa pagbabalot ng regalo eh. As in!

Haayy, ang kukulit ng pamilya ko.

Ang liligalig.

Madrama pa sa buhay.

Pero sobrang saya na nagkasama sama ulit kami. Yung tipo ng saya na maaalala mo palagi. =)

Ganown!