PMSing, Kaching-Kaching

Eh di wow, rhymed ang title ng post ko for today! Haha.



Too bad, ang kukulit ng hormones ko. Pambihira naman kasing PMS ito, oo. I've never known na mas nagiging evident pala ang stage na itey as you grow older. Tsk.

Oh sya, sige na pagbigyan nyo na ako. I need to feel better talaga eh.


shelfie ovda day!

Wahehe.

BELIEVE ME. Madami akong nakaimbak na mga post sa draft folder. Don't worry though. Pasasaan ba at mababanatan ko din ang mga yun.

For the meantime, let me inform you guys na we're now officially Marikenos! Hoooraaayyy!

Lumipat kami nung kasagsagan ng 'Ineng' last week. Nagkataon lang naman pero pinush na rin namin. Para na rin to check how the famous Marikina flooding would affect us. Thank God parang mas OA pa ang baha sa Cubao. :p

I know! Now's probably not the perfect time to move in Marikina because of the BIG ONE. *insert exaggerated 'kaya nga' here*

Pero ganun talaga eh.

May mga pinipili tayong desisyon dahil mas marami tayong nakikitang tama kesa mali.



Besides, our new place (Marikina Heights) is not listed naman on the list of barangays na malapit sa earthquake fault. Of course hindi din garantiya yun na magiging ligtas na kami kapag andyan na ang bonggang lindol. But you know, ang importante na lang sa ngayon ay gawin namin ang lahat para maging handa. Dabah?! :)

Kayo guys? Do you have decisions in life din ba na mas pinipili nyong gawin kasi feeling nyo mas tama kesa mali?

Share naman dyan! :)