Happy Kaarawan Vhenziepot!

Konti lang ang mga KAIBIGAN ko.

Pero masaya ako na isa ka sa mga yun.

Kaya naman ngayong birthday mo, gusto kong i-dedicate itong aking 'launching' blog post (welcome to my newest balur) para lang sayo. =p

Mahal na mahal kasi kita teh. Gusto ko nga akin ka lang eh. Parang ganito oh.



Anyway, alam ko hindi ako perpektong kaibigan. Ayos lang naman yun diba? Kasi maganda naman ako. Ahmmm, gusto ko sanang sabihin na 'MAS maganda' pero saka na pag hindi mo na birthday. Bwahaha!

Minsan, iniisip ko pa rin kung paano tayo naging magkaibigan. Oh, alam ko natatawa ka na naman. Chinita ka na naman oh! Ano, ako na naman si 'pogi'? Sige tumawa ka hanggang gusto mo (hanggang sa magmukha ka ng engot). Birthday mo naman eh. =p

Ganda mo teh! Happy Birthday! :)

Feeling ko kasi super layo ng mga personalities natin dati eh.

Ang sabi sa astrology eklaber: Leo and Libra are two signs apart in the Zodiac. Libra are charismatic and well mannered, and could make up for Leo’s often blunt and passionate nature. Leo are more resolute and zealous, and could help Libra be more lively and impulsive, and make firm decisions. Both signs could admire each other’s qualities, and profit from each other; and they maintain a harmonious relationship.

Oy, hindi ko inembento yan ah. Galing yan dito. Haha.


Kaya naman pala.

Kaya naman pala kahit naaasar ako dati, gusto ko pa ring linisin lahat ng mga kalat sa bag mo. Kaya pala laging gusto kitang kutusan sa tuwing matigas ang ulo mo. At higit sa lahat gusto kitang kurutin sa singit kapag OA ka na masyado pagdating sa love.

Oooopppsss!

Kaya din pala parang naiinggit ako sayo how you easily carry yourself around people. Kung paanong ang dami mong kaibigan. Kung gaano ka ka-confident na gawin ang mga bagay na gusto mo.

Kala ko pa naman ang b!tch kong kaibigan. Pinagtagpo pala tayo ng tadhana para mga weakness ng isa't-isa. How sweet! :D

There, I said it. I've been meaning to tell that straight to your face for the longest time. Ngayong alam mo na sana wag kang ma-inlove sakin. May asawa na ako remember?

Kahit ganito ka pa ka-sexy girl. Hindi talaga pwede!


Hoy, don't hate me dahil pinakita ko dito sa blog ko itong pang-FHM mong litrato. Don't worry wala namang nagbabasa dito. Lol.

Gusto ko lang makaganti dahil nadiskubre ko na ang kabalasubasan mo sa akin noong January 7, 2010.



Pambihira ka! Hiyang hiya ang nostrils at mahiwagang 'kalengleng' ko. Juicecolored. Sana po walang bad guy na mangnenok ng larawang itey. Hindi pa ako handa na maging internet sensation! Haha.

So pano, Happy Birthday na lang ulit ha? Lahat ng magagandang bagay ay hinihiling ko para sayo. Pakyawin mo girl! You truly deserve everything. Dadi and I love you and care about you so much. Don't ever forget that :)