Bagong Blog, Bow!

Bago nyo ako i-judge dahil may bago na naman akong balur bilang isang blogger kuno, hayaan nyo munang i-welcome ko kayo dito.

Welcome to my humble abode mga friendly friends! :)


My previous blog, lizaonmute, didn't go as I planned kaya eto bagong simula ulit. Masakit man sa aking kalooban kuya batman, pero hindi ko na isinama yung mga luma kong blog posts. Naniniwala kasi ako na kapag gusto talaga natin ng new beginnings kailangang mag-umpisa ulit sa wala. Clean slate dapat ang peg. Ganoon.

BLOGGING GOALS

Yes, may mga ganyang paandar na ako ngayon. Dati kasi I just blog dahil gusto ko lang. Kahit ano lang. Kung kelan ko lang maisipan. Mali pala yun. Parang life din yan eh. You have to set goals para maging successful.

1. Be Regular
I know! Ako na yata ang pinaka tamad na blogger na kakilala ko (haha, siniraan ang sarili). There are times na dahil karampot lang ang laman ng blog archive ko for a particular month, tinatamad na akong magsulat for the whole month! Gusto ko kasi may consistency. Haha.

2. Be More Myself
Gusto kong maging MAS AKO itong blog ko this time (although malamang paulit ulit pa rin akong magpapanggap na ako si Angel Locsin). Lol. Basta, yung tipong isusulat ko kung ano yung gustong kong sabihin without worrying kung ano iisipin ng ibang tao. Walang makakapigil. Parang Pabebe Girls lang.

3. Incorporate Videos
Pero more of montage type of videos lang (I'm not sure yun ba tawag dun?). I actually tried vlogging pero nandidiri akong panoorin ang sarili ko. Haha! But it's something din kasi na gusto kong gawin so hindi pa talaga ako sumusuko totally. Kailangan ko lang siguro ng more praktis. :)

4. Create Memories, Share Moments
Hanep parang tagline lang ng imaging product! Pero that's exactly the main reason kung bakit trip na trip ko yung mga ganitong blog eklaber. I love reading my old blog posts (weh di nga? bakit di mo sinama sa migration mo rito aber??!!). Masarap mag look back sa mga memories diba?

5. Be Relevant
There, I said it. Feeling ko lahat naman talaga tayo ay gustong maging relevant to some extent. I mean, hello idol ko kaya si Mommy Fleur and I'm a fan of The Shoshal Network. Syempre gusto ko ring maging kasing sikat nila (kung hindi man ako magiging kasing sikat ni Angel Locsin). Pero honestly, it's more like just telling to the world na "Hey, andito ako! Buhay pa ako. yooohooo!". Parang ganun.

Sana ma-achieve ko ang mga goals kong yan. Kung hindi man eh keri lang. Ang importante ay hindi ako sumusuko sa mga bagay na gusto kong gawin at masaya akong gawin. Dabah??!! So there, sana masamahan nyo ako dito sa aking bagong endeavor.

See you around folks!  :)