I don't know about your home guys pero dito sa bahay uso ang ubo, sipon at trangkaso. Rainy season na naman kasi eh no? Imortal na yata ako because pag mga ganyang epedemic levels na hindi talaga ako tinatablan. Thank you Lord pero I always say na ako na lang sana instead of Caylee. =( Mabuti na lang talaga at mabilis maka-recover sa sakit ang bagets.
Anyway, yesterday we went to Marikina Heights barangay office to get a barangay clearance. I need it para makakuha ng Postal ID which is a valid government ID. Nawawala kasi yung kaisa-isang valid ID (SSS) ko and you know naman how important it is na meron dapat tayong pagkakakilanlan na mula sa ahensya ng gobyerno right? *ni-deep tagalog ko para lang hindi ko ulit-ulitin ang salitang 'valid id'. Haha
Eto kaming mag-ina doing our signature OOTD pose. Hanep!
While here's naman my mag-ama on their usual kulitan.
Caylee is such a daddy's girl talaga. Ang sarap nilang tingnan mag-ama pag nagkukulitan. =)
Unfortunately, I wasn't able to get a barangay clearance kasi wala pa pala kami sa census data ng Marikina. We just moved in last year eh. I was like 'okay' and then left. Saka ko lang na-realized na dapat pala sinabi ko na nakakuha na ako dati ng barangay clearance na ginamit ko naman nung bumoto ako sa Marikina mismo! Kaloka! Kinakalawang na talaga yata ang utak ko. =))
After that, we went straight ahead na to BPI Bayan-Bayanan to get me an ATM card replacement. Six years na kasi talaga sya eh. Funny because pagdating ko doon pinaderecho na ako ni kuyang guard sa customer service area. May around 6-8 people na there. I thought it was an honest pila so umupo na lang ako bandang dulo sa tabi nila. After mga 5 minutes, one of the BPI staff begun calling names from what seemed to be a log book so sinulat ko yung name ko dun. Nagulat ako because nagsunuran sakin yung ibang tao dun to write their names also. So ang lagay mauuna pa ako sa kanila! No one bothered naman to accused me na sumisingit sa pila or anything. Ang tagal pa naman nung concern nung iba. Well, I considered it luck na lang since minalas nga ako sa pagkuha ng barangay clearance. Lol
Happy mid-week,
About
Liza
Mommy Promdi
"I write because I don't know what I think until I read what I say" - Flannery O'Connor
Latest Posts
Popular Posts
-
Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa: NAKAMAMATAY ang pagkain ng tsokolate sa mga aso. Kung hindi nyo pa yan alam, you have to believe me ...
-
I know! October 4 na. Duh!!! Yaan nyo na. October is still October and I'm sooooooo claiming that this month will be super fab for me....
-
Happy Monday!!! =) How's your weekend guys? Kami, we went to Manila Ocean Park kahapon (Sunday). Salamat sa Diyos at natupad na rin an...
-
I don't know how to start this post na hindi masyadong serious so eto na lang ang ibubungad ko: SORRY NA SA MGA KUMAKAIN. HAHA. P...
-
Rainforest Park in Pasig is one of the most special places in my heart. Bukod sa madalas namin yang tambayan ng mga close friends ko dati, ...