Naalala ko dati nung bagong salta pa lang ako dito sa Menela, I always say lipistik for lipstick. Ah-ah, yanong kapal ng lipistik mo! *in all my puntong Atimonanin glory
Tawang tawa sakin ang mga friends and officemates ko.
Duh! Yun naman talaga ang tagalog dun diba? Ngayon may pa lippie-lippie na tuloy aketch. Kaya hindi umuunlad ang bansang Pilipinas eh. Lels.
Anyway, I've recently purchased 3 shades of Wet n Wild Megalast Matte Lipstick.
Yes! Hindi na lang pang Ever Bilena at hulugan na Avon ang beauty ko. Salamat kasi natuklasan ko ang group buying.You guys should try joining kung hindi nyo pa na-try. Prices are waaaaaaaaay cheaper talaga compared to mall prices and other online shops. Be very wary though kasi maraming scammer sa internet nowadays. At nakakaadik sumali! Haha.
Here, I'll show you the walastik lipistiks that I've got from Wet 'n Wild.
#1 24 Carrot Gold
- My husband hates this shade. Actually all makeup that screams makeup ayaw nya. Bahala nga sya. I'll use this shade pa rin. For special occasions siguro?#2 Don't Blink Pink
- Ito talaga ang pinaka hate ni Papa Prinz. Super fake daw kasi tingnan. Haler! Kaya nga makeup diba? Kainis yun. Pero I think ito na lang ang ipapalit ko sa red lipstick ko from Avon. I use red kasi pag gusto ko magkakulay ang pagmumukha ko pero tamaders akong mag-ayos. Kaso most of the time, I feel that red is not for me. Or maybe hindi ko pa nakikita yung right kind of red na bagay sa skin tone ko? I don't know but I prefer this shade (na parang pink na violet na ewan) over red for sure.#3 Just Peachy
OMG! I just found my perfect lippie. Ito na yun. I swear! I always wanted a nude lipstick talaga. Kasi nga pag kasama ko ang asawa ko daig pa nun ang matanda sa una kung makapuna sa makeup ko. Eh eto pag suot ko parang wala lang pero mas better sa natural lip color ko (na wrinkly na nga eh may dark stains pa because of caffeine). I better stock up on this dahil ito na talaga ang aking personal peyborit. :)I am no Anne Clutz, nor Wayne Goss, pero syempre dahil ni-blog ko ang lipistik na itey syempre dapat may verdict aketch kunwari. Hihi.
Winner / Havey
1. Very apordabol.
- As in! The cheapest I saw online costs around 200 pesos. I got mine from GB so mas mura pa. Yun lang, I've waited for almost a month din bago ko nakuha.
2. Better than Ever Bilena and Avon lippies
- Sorry idol Angel Locsin (Avon's Ambassador) pero true talaga. Super dali i-apply ng Megalast. Saktong matte lang (medyo creamy) which I prefer. Higit sa lahat nagla-last talaga sya ng pretty good amount of time sa aking lips. Sabi sa product description nila 4-hour lasting daw. I only tested mine for about 2 hours at masaya na ako dun. Haha.
3. Wide selection of beautiful colors
- Grabe inabot yata ako ng tatlo't kalahating taon bago ako nakapag-decide ng gusto kong shades. Ang dami kasing magaganda! Look here.
4. No awful odor / taste
- Alam nyo yan pag mumurahin ang lipstick! Haha.
Waley
1. Packaging
2. Packaging
3. Packaging
4-100. Packaging
- Nakow. Ingat na ingat akong buksan yung tube kasi feeling ko masisira. Howell, pwede namang palampasin na lang ang issue nato. Mas maigi nang tinipid ng ganito ang packaging kesa naman yung quality ng lipstick ang mag-suffer. Dabah?!
So yun. That's my Lipistik na Walastik experience from Wet 'N Wild. Have you already tried this product guys? Nagustuhan nyo din ba?