Bloggy, Do you Miss Me?

Social Media Detox with katamaran in between. Yeah, that's the best way to describe kung bakit ngayon ko lang ulet naisipang mag-blog. I won't apologize na anymore or make any excuses dahil sarili ko lang naman din ang lolokohin ko. 

Ako lang naman talaga ang palaging nakatunghay sa blog na ito eh. HAHA


BLOGGY, DO YOU MISS ME?
Well, it felt good until nagising na lang ako one day na ready na pala ako ulet mag-yangyang ng labada. 

Charot.

Osha, mag-tsismisan na tayo shall we?

FAMILY

First, let's talk about Caylee and our little family.



I told myself and Papa Prinz na ito na ang huling taon (2019) na aasa ako ng very, very hard for a second child. Kako dapat mas galingan pa namin this year. I'm way too past the prime age na eh. Gustuhin ko mang wag mawalan ng pag-asa, hindi ko na pwedeng ibalik ang pagiging bata, sariwa at malakas ng mga ovaries ko no!

I'm more than happy and grateful sa oocytes na naiambag nila sa pagkababae ko despite battling over (PCOS) Polycystic ovary syndrome.

Besides, Caylee is definitely  MORE.  THAN.   ENOUGH.

LIFE GOALS

When I was in my 20s, waley akong masyadong paki sa katotohanan na saglit lang tayo sa daigdig. You know, typical young, wild and free. But the 30s stage (okay, okay mid 30's haha!) is really an eye opener for me. There are times na hindi ko pa rin matanggap na jonders na ako and still wondering kung anong mga pinagagagawa ko sa buhay ko.

Well, the good thing is:  NOW I have this stronger desire to use my time wisely. Lalo pa at may anak na ako.

Pero minsan diba mga bakla, nakakaloka na rin kung ano ba talaga dapat mong gawin during this stage. So many inspiring stories that will make you rethink yung mga diskarte mo sa buhay. May mga magbibigay ng advice. Ang dami mo din mababasa sa Google. Pati kapitbahay mo minsan may kuda eh. HAHA

So sa tuwing nagmumuni-muni ako, I list down kung ano ba talaga ang importante para sa akin na ma-achieve bago mategi (knock on wood, sana matagal na matagal pa!)

Medyo marami-rami rin pero ito talaga yung mga gusto ko i-priority:

✓ 

Proper Mindset and Balance (Spiritual & Emotional Well Being)

✓ 

Commitment to Improved Physical Health

✓ 

Marriage and Family Harmony

✓ 

Develop Empathy and Gentleness

✓ 

Stress-Busting Leisure Time


PROCRASTINATION/SELF-REGULATION BATTLE

My actual self is in constant battle with my ideal self these days. Kung nasa probinsya ako, malamang bumangon na sa hukay ang nanay ko dahil sa hindi maipaliwanag na katamaran ko. Hindi na talaga sya cool eh.

Okay, I believe we all suffer procrastination at some point. Eh paano kung ang OA na? Paano na Ate Charo?

To be fair with myself, eto na at nagtagumpay ako na mag-blog ulet. I can't wait to do the other stuff na gusto kong gawin pero tila may malakas na puwersa (maybe the Instant Gratification Monkey?) na pumipigil sa akin. HAHA

Kaya natin 'to, self.

So there are my chismis for today.


HAPPY VALENTINE'S DAY!




Stay Sane,