Nakakatamad magkikilos dahil panay ang ulan kaya hinayaan ko ang Caylee na pagtripan ang pagmumukha ko. Feel na feel naman nya lagyan ako ng makeup at not bad naman ang kinalabasan kaya ayos na din. Buti na lang nakunan ko ng picture ng hindi sya na distract dahil masaya ang ganitong bonding moments naming mag-ina.
Masarap 'tong balikan someday. =)
|
Excuse our pots & pans and my deteriorating nail polish. HAHA
Anyway, our good old car got hit by a Mitsubishi Mirage last week. Nope, hindi kami nakasakay (thank God!). It happened while parked outside our house. As in nananahimik ang pobreng sasakyan.
Nagising na lang kami around 6 am sa malakas na kalabog. I was so sure na may nabangga na kotse and prayed instantly na sana hindi yung sa amin. Unfortunately sa amin nga and I was so shocked nung nakita ko na napakabata pa nung girl owner ng Mirage! At first akala ko minor sya and was just practicing driving alone. Mas lalo akong na shookt nung nakita ko na sumabog yung airbags ng kotse nya! Ganun kalakas ang pagkabangga nya sa kotse namin.
Sabi nya medyo nakatulog sya but our neighbors think otherwise dahil amoy alak daw. Hindi ko masyadong inusisa her breath dahil medyo nagigising si Caylee and I needed to pacify her while checking on what happened.
The girl pala is already 22 years old na and nakatira lang malapit sa amin. We're not really sure if lasing sya or what, so tinake na lang namin yung reasoning nya na nakatulog sya and didn't report anything sa police. She and her family promised naman na ipapaayos yung damages sa kotse namin, and yun ang importante besides sa fact na walang nasaktan sa pangyayari.
Parang hindi naman ganun kalala yung damages nung sa amin (heard it involved alignment or something). Yung kotse nila hanggang ngayon naka park pa din dito sa may tapat namin. I think iyon ang mas malaki ang damages. Siguro dahil mas magaan/maliit sya? Whatever, sana maipaayos na both cars asap. Medyo mahirap kasi mag commute ngayong rainy season. Hayst!
Anyway, medyo mahaba ang bakasyon ngayon pero dahil sa panahon ang hirap maging productive no? O ako lang ba talaga ang tamad. HAHAHA!
Stay sane,
|