I have a really, really bad skin.
Isa ako sa mga teenager dati na ikinahihiya ang pagmumukha because of the terrible taghiyawats. Minsan pag humaharap ako sa salamin di ko maiwasang i-wish na sana flawless na lang ang kutis ko. Di bale nang hindi kaputian. Di bale ng busarga ang ilong. Kahit nga yung pagka usngal ng two front teeth ko tanggap ko na eh. Ang gusto ko lang naman talaga ay hindi naghuhumiyaw ang mga pores ko.
Pero ganun talaga. Wala naman daw perpektong ganda sa mundo. Basta sa paningin ng asawa ko dyosa ako at pwede namang gamitan ng beauty filter ang mga selfies ko, yun na lang ang importante sa akin. Lels.
Pero hindi naman excuse ang sa tingin natin ay mga kakulangan natin sa physical appearance para maging forever losyang na tayo at hindi maging presentable. Tama? Sinusubukan ko din namang magmukhang tao paminsan-minsan.
Good thing may mga affordable pero good quality na na mga makeup here in the Philippines. Since I've discovered the magic of putting on makeup almost three years ago, nakasanayan ko na rin syang gawin whenever I get the chance.
Ang dugyot ko kasi talaga pag bare-faced eh.
Please don't use my photo to trap your mouse at home. :p |
In addition, I'm on constant search for products na magwo-work sa akin pero hindi naman ako hihiwalayan ng asawa ko dahil sa presyo. Praktikal pa rin dapat syempre.
The most expensive product na binili ko for kolorete is the Mary Kay TimeWise foundation which cost around 700 pesos. Pang malakasan ko na yun. Like pag may pupuntahang party or important events which I don't do naman everyday. Matipid lang din naman syang gamitin so sulit na rin.
Keber na kung may dugyot angle pa rin. At least dugyot na naka makeup. HAHA
But as a stay at home mom, making efforts to look good everyday is one hell of a struggle. Mahirap magmaganda kapag tagaktak ang pawis while doing household chores! I can't use a product on a daily basis na yung presyo eh pwede na naming ipang-ulam for a couple of days. No way Jose!
That's when these babies come to the rescue:
Ever Bilena Face Powder in Warm Beige @ 115 pesos
Brick'd Careline Liquid Lipstick @ 195 pesos
Daiso Eyebrow Pencil in Dark Brown @ 88 pesos
Hindi man sila pang malakasan, maasahan naman sa araw-araw. Pak na pak ang everyday for 398 petot lang mga besh! Very ideal pag:
Pag mamamalengke si mayora.
Pag magsi-siyesta si mayora.
Just add a bit of eyeliner and a little blush on, ready na akong maglinis ng bahay. HAHA
However, I was told at nababasa ko rin naman na better to invest in good skincare products instead of makeups. Kaso ako si tamad magpahid-pahid. #kayenemenpele malalaki pores eh, tsk! I promise myself to save and make time for it though lalo pa at as we get older, dumadami rin ang mga chismis sa fezlak natin. Yikes!
How about you? Any tipid tips para magmukhang tao? =))
Stay sane,